NI: VHAL DIVINAGRACIA
NIRERESPETO ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang pagtanggi ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa mga uuwi sanang overseas Filipino workers sa kanilang lugar.
Sa naging public address ng Pangulo kagabi, sinabi nito na wala syang kwestyon sa pamamalakad ni Gomez sa syudad sa gitna ng pag-iingat laban sa COVID-19 pandemic.
Subalit giit ng Pangulo, posibleng bigyan naman ng pagkakakataon ang mga itong makauwi lalo na kung nag-negatibo naman ito sa sakit.
Kawawa naman aniya ang mga ito dahil sabik na rin ang mga OFWs na makauwi sa kanilang pamilya matapos ang pamamalagi ng matagal sa mga quarantine facilities ng pamahalaan.
Maliban dito, nakasaad din ani Pangulo sa constitutional rights ng bawat mamamayan ang makauwi sa kani-kanilang lugar.