CRESILYN CATARONG
NAGING positibo si Pangulong Rodrigo R. Duterte na sa gagawing clinical trials, makapagde-develop ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, inaasahang makikiisa ang bansa sa vaccine clinical trials sa last quarter ng taong kasalukuyan.
Ito ay sa pangunguna ng Department of Science and Technology (DOST). Kasunod nito, inatasan ang DOST na magprovide ng guidelines sa makikiisang organisasyon sa vaccine clinical trials upang ma-assist ang mga ito sa kanilang mga proposals at budgets.
Maliban dito, ay upang matukoy din ang mga sites pati ang mga lokal na institusyon at Filipino researchers na mapabibilang sa clinical trials.
Nagpahayag ng malaking interes si Pangulong Duterte sa clinical trials dahil nais nitong mailigtas ang mga Pilipino mula sa nakamamatay na sakit na COVID-19 sa pamamagitan ng pagdevelop ng isang bakuna.