MELROSE MANUEL
PINASALAMATAN ni Russian President Vladimir Putin ang patuloy na pagpapadala ng tulong ng Estados Unidos para sa paglaban sa banta ng COVID-19 pandemic.
Ipinarating ni Putin kay US President Donald Trump ang kaniyang pasasalamat sa naturang donasyon sa pamamagitan ng isang pakikipag-usap sa telepono.
Nasa 200 ventilators nama ang ipinadala ng Amerika sa Russia kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus sa kanilang bansa.
Sa ngayon, nakapagtala na ng mahigit tatlong libo ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 cases sa Russia.
Sa susunod na linggo inaasahang maipadadala ang mga ventilators sa Moscow.