MELROSE MANUEL
MANANATILI pa rin ang presensiya ng mga quarantine checkpoints sa bansa pagkatapos ng May 15.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, may iba’t ibang antas ng quarantine na ipinatutupad sa iba’t ibang lugar.
Sinabi pa nito na hindi pa rin pwedeng gumala upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019.
Sa ngayon na sa general community quarantine ang buong Pilipinas maliban na lamang sa Metro Manila, Cebu City at Laguna na nasa ilalim ng modified enhanced community quaratine.
Pinag-aaralan naman ngayon ng DILG ang apela ng lokal na pamahalaan ng Pampanga, Bulacan at Nueva Ecija na muling isailalim sila sa ECQ.