MELROSE MANUEL
TUMATAAS ang recovery rate ng PNP COVID-19 cases na umaabot na sa 35.7 percent.
Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa.
Batay naman sa pinakahuling datos ng COVID case sa PNP, nasa 140 na ang mga pulis na kontaminado na ng virus.
Lima sa mga positive sa virus ay naka-admit sa medical facilities, 64 ay sa mga quarantine centers habang 17 ay naka home quarantine.
Samantala, sinabi ni Gamboa na hinihintay nalang ng PNP na maaprubahan ng Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) ang pag-operate ng kanilang sariling RT PCR testing laboratory sa Camp Crame upang makapagsagawa ng test sa kanilang mga miyembro.