MELROSE MANUEL
SINABI ni Philippine Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon na kailangang ipasuri sa COVID-19 test ang buong populasyon ng Metro Manila.
Payo aniya ito ng World Health Organization o Who dahil ang Kamaynilaan ang epicenter ng COVID outbreak sa bansa.
Target ng pamahalaan na ma-test ang 2.5 porsyento o dalawang milyong Pilipino kasama ang populasyon ng Metro Manila na nasa 1.6 milyon.