VHAL DIVINAGRACIA
NAKATAKDANG gumawa ng proyekto sa ilalim ng isang American Comic Book Publisher o DC Comics si Robert Downey Jr.
Ito ang inanunsyo ni Robert Downey o mas kilala bilang Iron Man sa Avengers movie na Endgame ang kanyang bagong proyekto, sa Netflix series na Sweet Tooth.
Ngunit sa pagkakataong ito, hindi naman si Robert ang bibida kung hindi magsisilbi itong producer ng show, katuwang ang kanyang asawa na si Susan Downey.
Maraming fans naman ni RDJ ang nagpaabot ng suporta sa proyekto nito kahit hindi siya haharap sa camera.
Iikot ang kuwento ng Sweet Tooth sa isang batang si Gus na may lahing usa at iniwan ang pamumuhay sa gubat upang makatuklas ng bagong mundo.