HANNAH JANE SANCHO
HALOS isandaang porsyento nang tapos sa SAP distribution ang lungsod ng San Jose Del Monte Bulacan.
Ayon kina Congresswoman Rida Robes at Mayor Art Robes, kasalukuyan nang minamadali ang pamamahagi ng ayuda sa apat pang barangay na natitira sa lungsod.
Lalo pa’t pinaboran din ng Department of Interior and Local Government o DILG ang kahilingan ng mga miyembro ng Metro Manila mayors na palawigin pa ang deadline sa pamamahagi ng tulong pinansiyal hanggang Mayo a-siyete.
Nasa 66,800 na benepisyaryo ang target beneficiaries ng lungsod at inaasahang matatapos ang cash aid distribution anumang araw ngayon bago ang May 7 deadline.