VIC TAHUD
INIHAYAG ni Secretary Carlito Galvez Jr., Chief Implementer ng National Plan Against COVID-19, na gagawing barangay level ang lockdown ng gobyerno sa mga susunod na araw at hindi na kada rehiyon.
Ito ang isa sa mga panukala ni Galvez upang ma-contain ang virus sa isang barangay habang hindi napababayaan ang ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa ni Galvez, susunod din ang mga local government unit sa guidelines na ibibigay ng Inter-Agency Task Force.
Aniya, hindi hahayaan ng gobyerno na makaapekto sa iba pa ang isang lugar na nagkaroon ng kaso ng COVID-19.