MELROSE MANUEL
TANGING ang pagbibigay seguridad ng mga namamahagi ng ayuda ng pamahalaan ang magiging papel ng pulisya sa pamamahagi ng social amelioration program o SAP.
Ito ang nilinaw ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Debold Sinas alinsunod na rin sa direktibang ipinagkaloob sa kanila.
Magugunita na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa DSWD na makipag-ugnayan sa PNP o AFP sa pagsasagawa ng SAP distribution partikular na sa mga lugar na may banta sa seguridad.
Kaugnay nito, sinabi ni Sinas na titiyakin nila na ligtas ang mga opisyal mula sa anumang klase ng krimen at pangungunahan ang pagpatutupad ng health protocols sa gitna ng SAP distribution.