VHAL DIVINAGRACIA
HINIKAYAT ni Senator Christopher “Bong” Go ang Department of Transportation at iba pang ahensya na ihatid ang mga na-stranded na estudyante sa Metro Manila pabalik sa kanilang mga probinsya.
Ito ani Go ay para sa mga estudyanteng gustong umuwi sa gitna ng COVID-19.
Ayon kay Go, sasagutin ng mga tukoy na ahensya ang gastusin sa biyahe at hinihikayat din ang mga lokal na pamahalaan na ihatid din ang mga ito papunta sa kanilang mga bahay pagdating sa mga probinsya.
Samantala, tutulong ani Go ang Department of Interior and Local Government, Department of Social Welfare and Development pati na rin ang Department of Education at Commission on Higher Education sa nasabing hakbang.