NI: JAO DAYANDANTE
IPINATITIYAK ni Senator Risa Hontiveros sa pamahalaan na walang makalulusot na VIP sa panahon ng COVID-19 lockdown.
Ito ay pagkaraang makarating sa senadora ang balitang mabilis na nakuha ng mga Chinese worker ang kanilang COVID-19 test result sa loob lamang ng apat na araw.
Hindi tulad aniya sa mga OFW na umaabot ng isang buwan sa quarantine facility sa kahihintay sa kanilang resulta.
Ito rin ani Hontiveros ang nagiging dahilan ng pagkakaantala sa pag-uwi ng mga ito sa kani-kanilang mahal sa buhay. Kasunod nito ay nanawagan ang mambabatas sa OWWA, PCG at DOH na ayusin ang kanilang sistema.
Giit pa ni Hontiveros na hindi 2nd class citizen ang mga Pinoy sa kaniyang sariling bansa kaya dapat hindi pairalin ang mga VIP treatment sa mga dayuhan.