JAO DAYANDANTE
SANG-AYON si Senator Cynthia Villar na paluwagin na sa General Community Quarantine GCQ ang ilang lugar sa Metro Manila na may mababang kaso na ng COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi nito na dapat masimulan na ang muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa at pag-implementa ng bagong normal.
Aniya, lalong mahihirapan ang bansa na makausad kung patuloy na maapektuhan ng COVID-lockdown ang galaw ng lahat.
Maaari naman aniyang ilagay na sa GCQ ang mga low-risk areas habang sumusunod sa mga safety measures.