MJ MONDEJAR
KAILANGANG isailalim sa validation test ang resulta ng mga empleyado sa Senado na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa press briefing, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na dapat na isailalim pa sa reverse transcription polymerase chain reaction test (RT-PCR) ang mga senate employees upang makumpirma na positibo sila sa naturang sakit.
Dapat din aniyang maberipika ang resulta dahil tanging sa rapid anti bodies test pa lamang sumailalim ang mga ito.
Matatandaang, labing walong mga empleyado sa Senado ang nagpositibo sa COVID-19 test bago magbalik ng sesyon noong Lunes.