ITUTULOY pa rin ng mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso ang plenary session ngayong araw sa kabilang ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Metro Manila.
Ayon kay Senate Presidente Vicente Sotto III, kailangan ang presensya ng mga Senado at dumalo sa unang araw ng pagbabalik sesyon delikado man o hindi dahil mandato aniya ito ng Konstitusyon upang magkaroon ng legislative calendar at susundin nila ito.
Ngunit sa kabila nito, tiniyak naman ni Sotto na nakasunod at ipaiiral ang mga panuntunang pagkalusugan sa lahat ng papasok sa gusali ng Senado gaya ng pagsasailalim sa thermal scanner, pagdisinfect ng mga sapatos, elevator at iba pa.
Samantala, sa Kamara naman, dalawamput limang mambabatas lang ang papayagang makadalo sa sesyon habang ang iba ay sa pamamagitan na lamang ng video conferencing.
Gaya sa Senado, mahigpit ding ipatutupad ang physical distancing na dalawang metro bawat mambabatas at hindi maaari ang pakikipag-usap sa mga kapwa mambabatas, empleyado at observers.
Bukod dito, mahigpit ding paiiralin ang “no-face-mask, no-entry policy,” at tanging may kumpirmadong transaksyon lamang ang papapasukin.