MELROSE MANUEL
SA huling pagtaya ng PAGASA, namataan ang mata ng bagyong Ambo sa Claveria, Masbate (Burias Island) na kumikilos ng labing limang kilomentro kada oras northwest na may maximum sustained winds ng isang daan dalawamput limang kilometro kada oras malapit sa gitna na na pabugsong aabot sa 165 km/h.
Asahan naman ang ngayong araw ang katamtaman hanggang malakas na mga pag-ulan sa Bicol Region, Quezon, Aurora, at Marinduque.
Habang bukas naman May 16, makakaranas naman ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, at Northern Portion ng Nueva Ecija.
Dahil dito pinapayuhan ang mga nakatira sa mga nabanggit na lugar na mag-ingat at makipag-ugnayan sa Local Disaster Risk Reduction and Management Offices sa posibleng flashflood at landslides.
Limang beses na naglandfall ang bagyong Ambo, unang nag landfall ito sa San Policarpo, Eastern Samar kahapon bandang alas dose kinse ng hapon, pangalawa naman sa Dalapuri Island sa Northern Samar bandang alas diyes kinsa ng gabi, alas diyes trenta naman ang pangatlong landfall nito sa Capul Island sa Northern Samar pa rin. Pang –apat ay sa Ticao Island sa Masbate dakong alas dose ng hatinggabi at kaninang alas tres ng madaling araw nag landfall ang bagyo sa Burias Island.
Sa pagtaya ng PAGASA ang bagyong Ambo ay kikilos patungong Ragay Gulf bago ito muling maglalandfall sa Bondoc Peninsula sa Southern Quezon ngayong umaga.
Nakataas ang Signal Number 3 sa Sorsogon, Albay, Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Marinduque, at Southern Portion of Quezon (Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Plaridel, Unisan, Gumaca, Pitogo, Perez, Alabat, Quezon, Tagkawayan, Calauag, Lopez, Macalelon, General Luna, Catanauan, Buenavista, Guinayangan, Mulanay, San Narciso, San Andres, San Francisco).
Sa Visayas naman ang Western Portion of Northern Samar (San Vicente, Capul, San Antonio, Allen, Victoria, San Isidro, Biri, Lavezares, Rosario, San Jose) Signal Number 2 naman sa southern portion ng Aurora kabilang dyan ang (Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis, Dingalan), Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna, Rizal, at nalalabing bahagi ng Quezon, and Romblon.
Habang sa Visayas naman ay nalalabing bahagi ng Northern Samar, Extreme Northern Portion of Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Maslog), Northern Portion ng Samar (Calbayog City, Tagapul-An, Almagro, Sto. Niño. Tarangnan, Sta. Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose De Buan, Matuguinao), Biliran, Extreme Northwestern Portion ng Leyte (Calubian, San Isidro), Extreme North Eastern Portion ng Capiz (Pilar, Panay, Roxas, Ivisan) at ang Northeastern Portion ng Iloilo (Carles, Balasan, Estancia, Batad).