JAO DAYANDANTE
MANANATILI sa kanilang pagbibigay ng skill training at trabaho ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA bilang parte nila sa panukalang ‘Balik-Probinsya’ program ng pamahalaan.
Sa naging panayam ng Sonshine Radio kay Regional Director Florencio Sunico Jr., ng TESDA-NCR, sinabi nitong walang maiiba sa kanilang serbisyo at kontribusyon sakaling ma-implementa na ang naturang programa.
Iginiit pa ni Sunico, na magsasagawa rin sila ng masusing profiling para maayos ang magiging deployment ng bawat indibidwal na mag-a-apply sa ‘Balik-Probinsya’ program.
Samantala, siniguro naman nito na syento-porsyentong may mapapasukan kaagad ang lahat ng sasailalim sa training ng TESDA.