VIC TAHUD
NAG-DONATE ang San Miguel Corporation ng swabbing booths at test kits sa labing pitong mga local government units sa Metro Manila.
Ayon kay SMC President and Chief Operating Officer Ramon Ang, ilalagay ang mga nasabing booths sa mga strategic area kung saan masusuri ang mga dapat sumailalim sa COVID-19 testing.
Ani Ang, ito ay pagtulong sa layunin ng pamahalaan na makapagtayo ng mas maraming pang mga “mega swabbing centers” sa bansa.
Ito rin ay makadaragdag sa testing capacity ng bansa laban sa naturang virus.
Para sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya, magtatayo na rin ng sariling laboratory center ang SMC para masuri ang 70,000 employees nito.
Maging ang National Center for Mental Health at iba pang health institution ay kanila ring bibigyan ng tatlong sets ng testing equipment, na mayroong RT-PCR machines at automated RNA extraction machines.