JAO DAYANDANTE
IPAGPAPATULOY ang Spanish Football Season sa nakatakdang petsa ng pagbabalik nito sa June 12 sa kabila ng mga bagong players na nagpositibo mula sa COVID-19.
Ayon sa report, lima ang bagong nadiskubre na kaso mula sa first at second divisions.
Sila ay nakaquarantine muna ngayon at pababalikin lamang kapag maayos na ang kalagayan.
Sinabi naman ni President Javier Tebas noong linggo na inaasahan niyang magbabalik ang liga kung ang lahat ng plano ay masusunod.
Dagdag pa nito na kahit gugustuhin na magbalik ng liga sa June 12, sisiguraduhin muna ang kalagayan ng mga manlalaro at mahigpit na ipapatupad ang safety measures.
Matatandaan na ang mga players ay pinayagan na muli mag-ensayo noong Biyernes.