MELROSE MANUEL
ISASAILALIM sa 14-day special concern lockdown ang dalawampung lugar sa limang barangay sa lungsod ng Quezon City simula ngayong araw.
Ayon kay Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, pagtutuunan lamang nila ng pansin ang mga purok na may mataas na kaso ng COVID-19.
Paglilinaw pa niya, maaaring iisang kalsada, block, o compound lamang ang nasa ilalim ng special concern lockdown.
Tiniyak naman ni Kimpo sa mga residente ng mga lugar na kasama sa naturang lockdown na mabibigyan sila ng pagkain at iba pang ayuda.
Kasama naman sa mga barangay na may mataas na kaso ng COVID-19 ay ang Barangay Bahay Toro, Barangay Culiat, Barangay Sauyo, Barangay Batasan Hills at Barangay Tatalon.