MELROSE MANUEL
PAPAYAGAN na ang mga sporting event sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) batay sa nirebisang omnibus guidelines sa implementasyon ng community quarantine na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Bukod sa sporting events, papayagan din ang iba pang uri ng mass gathering gaya ng concerts, movie screening, community assembly at non-essential work gatherings.
Pero, paglilinaw ng IATF, dapat ay limitado lang sa 50% ang venue o seating capacity.
Sa ilalim din ng MGCQ, papayagan na ang mga indoor at outdoor non-contact sports at iba pang uri ng ehersisyo tulad ng walking, jogging, running at biking basta’t nakasuot ng face mask at masusunod ang physical distancing.