VIC TAHUD
HINDI magiging dahilan ang summer o tag-init upang bumaba ang kaso ng COVID-19 ayon sa pag-aaral ng Princeton University na nilathala sa Journal Science.
Bagama’t may mga haka-haka na maaaring mas mabagal ang pagkalat ng virus sa panahon ng tag-init, hindi ito sinang-ayunan nang nasabing pag-aaral.
Sa nasabing pag-aaral, kapag walang epektibong hakbang para mapigilan ang pagkalat, maaari pa ring magkaroon ng outbreak kahit sa humid climates at hindi rin maka-aapekto sa pagdami o pagbaba ng kaso ng COVID-19 ang panahon ng tag-init.
Ayon pa kay Rachel Baker, Postdoctoral Research Associate ng Princeton Environmental Institute, patunay nito ang mga bansa na nagkakaroon ng summer ngunit mayroon pa ring mga naitalang kaso ng COVID-19 tulad ng Brazil, Ecuador at Australia.