SAM GUTTIEREZ
MASAYANG ibinahagi ng aktres na si Sylvia Sanchez na muli na nitong nakasama ang kanyang pamilya makalipas ang ilang linggong quarantine matapos magpositibo sa COVID-19.
Matapos gumaling sa naturang sakit ang aktres, ay agad itong nagbigay ng mga medical supplies para sa mga frontliners sa mga ospital sa Agusan Del Norte kung saan siya ipinanganak at lumaki.
Nagbigay ito ng mga face masks, gloves, face shields at alcohol para sa anim na ospital ng nasabing probinsya.
Ayon kay Slyvia, nakita nito ang hirap na dinaranas ngayon ng frontliners para tulungan ang mga pasyente nilang nakikipaglaban sa COVID-19.
Dagdag nito, sasailalim pa siya sa rapid testing upang makapag-donate ng kanyang blood plasma.