VIC TAHUD
TUMAAS ng 70.6% ang testing capacity ng Pilipinas bawat araw ayon kay Bases Conversion and Development Authority O BCDA President at National Task Force COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon.
Ani Dizon, ang kapasidad ng bansa na mag-test ay tumaas sa 14,500 nitong May 10 mula sa 8,500 noong May 2.
Ito ay dahil sa dumarami nang mga laboratoryo kung saan noong nakaraang linggo, as of May 2, mayroong dalawampung laboratoryo, at sa loob ng isang linggo, nakapagdagdag pa ng sampung laboratoryo.
Sa loob ng isang linggo ay nakapagdagdag po tayo ng sampung laboratoryo. At dahil doon, ang ating kapasidad na mag-test ay tumaas mula roughly 8,500 noong May 2.
Sa kabila nito, iginiit ni Dizon na ang goal ng pamahalaan ay 30,000 testing capacity kada araw.