CRESILYN CATARONG
NAKUHA na ng Pilipinas ang target testing capacity na 30,000 bawat araw, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque kung saan nasa 32,100 RT-PCR tests ang naisagawa noong Mayo 20, lampas na ito sa nabanggit na target ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Roque, anim na beses na ang inilaki ng PCR testing capacity sa loob lamang ng isang buwan, mula limang libo noong Abril.
Iginiit naman ni Roque na maliban sa Metro Manila, dapat palakasin pa ang PCR testing sa iba pang bahagi ng bansa.
Inihayag pa ng palace spokesman na nabuo ang Task Force T3 o ang Test, Trace and Treat noong Abril 30 kung saan bagama’t talong linggo pa lamang ay marami nang naging accomplishments.