MARGOT GONZALES
ISINUSULONG ngayon ni Senator Francis Tolentino sa Senado ang ‘Three-Gives Payment’ Bill.
Ayon kay Tolentino ng Senate Bill No. 1473, na mahati sa tatlong bigayan ang pagbabayad ng mga mamamayan sa lahat ng kanilang monthly bills na due na dahil sa COVID-19 lockdown.
Aniya, sa pamamagitan nito ay mas mapapagaan ang pasanin ng mga mamamayan sa pagbabayad ng kanilang mga utility bills.
Matatandaang, nag-utos ang pamahaalan na bigyan muna ng moratorium ang publiko sa pagbabayad ng kuryente, tubig, telepono, at iba pang utility bill sa gitna ng COVID-19 lockdown.