MELROSE MANUEL
DAHIL sa umiiral pa ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa, minabuti ngayon ni Coach Tim Cone na ipagpatuloy ang kanyang pagsusulat.
Ito ang inihayag ng PBA Ginebra Coach, kung saan target nitong bumuo ng libro na may 50,000 hanggang 60,000 na salita na.
Matatandaan na si Tim Cone ay mayroong 22 PBA titles, ang pinakamarami sa kasaysayan ng mga coach.
Sa huli, inamin ng sikat na coach na pangarap niyang maging isang writer at ang ECQ ay nagbigay sa kanya ng oportunidad para magkaroon ito ng katuparan.