VHAL DIVINAGRACIA
MAS mainam na trabahuhin nalang ng Kapamilya giant network na ABS-CBN ang mga dapat gawin para maibalik ang kanilang prangkisa.
Ito ang payo ni dating DZMM radio host Jobert Sucaldito sa panayam ng Sonshine Radio.
Ani Sucaldito, hindi sya pabor na ma-shut down ang ABS-CBN pero nilinaw nito na hindi rin naging malinis ang pamamalakad ng broadcasting firm kung kaya dapat ayusin nalang nila ito sa tamang proseso.
Dagdag pa nito, hindi nila dapat gawing front ang mga empleyado nitong mawawalan ng trabaho para makakuha ng simpatiya sa publiko.
Nilinaw naman ni Sucaldito na mahal nya ang nasabing network kahit natanggal pa ito mula sa kumpanya dahil naging tahanan nya rin ito ng halos dalawang dekada.
Samantala, matatandaang natanggal si Sucaldito dahil umano sa hindi magandang komento nito laban sa isang aktres sa network.