JAMES LUIS
AMINADO ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na malulugi ang transport sector sa ipinalabas na guidelines nito sa ilalim ng general community quarantine.
Ito narin ang inaasahan ni LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano dahil kalahati ang bawas sa capacity sa dapat na pasahero ng pampublikong sasakyan.
Hindi rin aniya napag-usapan na taasan na ang pamasahe upang makabawi ang mga tsuper.
Isa rin aniya sa mungkahi ay ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga ito bilang bahagi sa kanilang recovery plan sa epekto ng coronavirus pandemic.