MELROSE MANUEL
HINDI na kinakailangan ang travel authority sa mga lugar na isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay Department of Interior and Local Government o DILG Undersecretary Jonathan Malaya, kailangan lamang ng mga trabahador na magpakita ng kanilang company ID o Certificate of Employment.
Paliwanag niya, ang travel authority ay para lamang sa mga stranded individuals na nais nang umuwi sa kanilang mga tahanan.