NI:VHAL DIVINAGRACIA
BALIK-OPERASYON na simula ngayong araw ang mga tricycle sa San Juan City.
Ito ang inanunsyo ni City Mayor Francis Zamora sa isa nitong Twitter post.
Ipapairal naman ang ilang patakaran sa mga drivers gaya ng pagdadala ng health clearance, travel pass at pagsusuot ng face masks sa bawat panahon.
Samantala, kailangan din aniya na may plastic barrier ang drivers mula sa kanilang pasahero.
Isa lang din ayon kay Zamora ang maaaring pasahero ng tricycle alinsunod sa social distancing protocols.