JUSTINE PILANDE
INAMIN ni US President Donald Trump na gumagamit siya ng hydroxychloroquine na isang uri ng gamot laban sa malaria.
Kasunod ito ng kanyang natanggap na sulat mula sa mga frontliners na gumagamit sila ng naturang gamot upang labanan ang COVID-19.
Magugunitang may mga lumalabas na haka-haka na makakatulong ang nasabing gamot upang labanan ang naturang sakit.
Ngunit ayon sa mga eksperto, wala pang medical proven na nakagagaling nga ang naturang gamot sa mga tinamaan ng COVID-19, sa halip ay makapagdudulot ito ng problema sa puso.
Batay naman sa tala ng John Hopkins University, umabot na sa 1,508, 291 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos kung saan 90,340 dito ang nasawi.