NI: VIC TAHUD
UMABOT na sa isangdaang libo, apatnaraan at labing isa (100,411) ang nasawi sanhi ng corona virus disease 2019 sa bansang Amerika.
Batay sa tala ng Johns Hopkins University, aabot na sa halos isang milyon at pitong daang libo (1,000,700) ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.
Para kay kay US House Speaker Nancy Pelosi, maituturing na villainous o napakasamang virus ang COVID-19.
Maging ang Brazil ay nakakapagtala na rin ng mataas na bilang ng mga nasasawi kada araw, sa ngayon lampas dalawampu’t limang libo ang nasawi sanhi ng naturang pandemya.
Sa ngayon, ang bansang Brazil na ang ikalawang bansa na may pinakamataas ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.