JAO DAYANDANTE
NILINAW ni Senator Christopher ‘Bong’ Go na boluntaryo ang pagpapatupad ng ‘Balik Probinsya, Bagong Pag-asa’ program ng pamahalaan.
Sa isang pahayag, aniya ito ay para sa lahat ng may gusto lamang na makauwi sa kani-kanilang probinsya para doon makapag-trabaho.
Dagdag pa nito na walang pilitan sa naturang programa dahil nais lamang ng pamahalaan na mabigyan ng pantay na oportunidad ang lahat ng gustong makapag-hanapbuhay.
Prayoridad umano ng naturang programa na unahin ang lahat ng nais nang makauwi.
Samantala, nabanggit din ng senador na nagkaroon na ng inisyal na pagpupulong ang lahat ng mga key officials ng concerned agencies patungkol sa programa.
Dagdag pa ni Go na nilagdaan na ni Pangulong Duturte ang Executive Order 114 na nag-aatas na bumuo ng Balik Probinsya Bagong Pag-asa Council.