MELROSE MANUEL
IPATUTUPAD ng Philippine National Police (PNP) ang all-out war laban sa New People’s Army (NPA).
Sa isang virtual presser, sinabi ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa, senyas ang alok ng pangulo na kailangang paigtingin ng PNP ang pakikipaglaban sa rebeldeng grupo.
Ito ay matapos ihayag ng Pangulong Duterte ang kanyang alok na dalawang milyong pabuya para sa impormasyon na ikadarakip ng mga lider ng NPA.
Tiniyak din ni Gamboa na nananatili ang PNP na “motivated” sa kampanya kontra sa npa sa kabila ng pakikipaglaban sa COVID-19.
Binigyang-diin nito, patuloy din ang pag-atake ng mga NPA sa mga pulis at sundalo sa kabila ng pagdedeklara ng ceasfire para pagtuunan ng pansin ang apektado ng COVID-19 sa bansa.