MELROSE MANUEL
NASA Pilipinas na ang pinakabago at pinakamalakas na barkong pandigma nito na BRP Jose Rizal.
Ayon sa Philippine Navy, dumaong sa Subic Bay, Zambales ang BRP Jose Rizal matapos ang limang araw na paglalakbay mula sa Ulsan, South Korea.
Gagamitin naman ang BRP Jose Rizal bilang pandepensa ng bansa sa mga teritoryo nito.
Ang 2,600-ton vessel, na may maximum speed na 25 knots, ang kauna-unahang guided missiles frigate ng Philippine Navy.
Samantala, ito ay ang una sa dalawang barko na inorder ng Pilipinas noong Oktubre 2016 na nagkakahalaga ng P16 bilyon.