JUSTINE PILANDE
IPINAGTANGGOL ng aktor na si Xian Lim ang nobya niyang si Kim Chui matapos itong makatanggap ng mga panlalait mula sa mga netizen.
Bunsod ito ng pahayag ng aktres patungkol sa ibinabang desisyon ng NTC sa pagsasara ng pinagtatrabahuhan nitong kumpanya na ABS-CBN.
Magugunitang inihalintulad ni Kim sa classroom law ang naging desisyon ng NTC bagay na umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen.
Una namang humingi ng paumanhin si Kim at sinabing hindi niya rin naintindihan ang kanyang mga sinabi.
Ani Xian, hindi deserve ni Kim ang lahat ng mga panlalait at pang-aalipusta ng mga tao na natatanggap nito dahil lamang sa paglalabas nito ng sariling saloobin.
Samantala, tumanggi namang magbigay ng pahayag si Xian patungkol sa isyu ng pagsasara ng ABS-CBN.