ANGEL PASTOR
ISANG pagpupugay ang ibinigay ng anak nina Marian at Dingdong Dantes na si Zia para sa primetime queen.
Ibinahagi ni Marian Rivera sa kanyang Instagram post ang paandar ng kanyang anak na si Zia sa selebrasyon ng Mother’s day kahapon.
Sa kanyang Darna costume, na nag-pose si Zia katulad ng iconic poses ni Marian noong gumanap na Darna noong 2009.
Pero giit ni Marian, sa lahat ng roles na ginampanan nito ay ang pigiging ina ang pinakamasarap sa lahat, lalo pa’t mayroon siyang bibong anak tulad ni Zia, at bunsong si Baby Ziggy.
Ayon sa netizens, kamukhang-kamukha ni Marian ang anak, maging ang pag-pose bilang superhero ay tila namana rin ni Zia sa ina.