Ni Pat Fulo
NAGLAAN ng aabot sa 10 bilyong pondo ang Pag-IBIG fund upang matulungan ang kanilang partner developers.
Sa ilalim ito ng House Construction Financing Line (HCFL) ng Pag-IBIG kung saan maaring gamitin ng mga benepisyaryo ang pondo upang muling makapagsimula sa pagtatayo ng socialized housing at masuportahan ang kanilang suppliers at mga manggagawa.
Layon ng naturang hakbang na matulungan ang pagtakbo ng ekonomiya sa bansa sa gitna ng krisis.
Bukod dito, inihayag din ni Pag-IBIG fund CEO Acmad Rizaldy Moti na tinatayang nasa 3.117 bilyong pisong halaga ng loan o katumbas ng 2,847 housing units na ang kanilang nailabas para sa mga miyembro nito mula noong Marso a-17 hanggang Hunyo a-4.
Nakabenepisyo naman sa ipinatupad na mandatory grace period ang aabot sa 4.77 milyong Pag-IBIG borrowers sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.