Ni Karen David
ISASAILALIM sa swab testing ang nasa 129 Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Caloocan City matapos magpositibo sa COVID-19 ang dalawa sa anim na Piston drivers na nadetine sa pasilidad.
Ayon kay Caloocan Police Chief Police Colonel Dario Menor, maayos ang kondisyon ng mga PDL at walang ipinapakitang flu-like symptoms.
Magsisimula aniya ang COVID-19 testing sa mga inmate ngayong araw.
Sinabi ni Menor na pag-uusapan nila ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan kung saan ilalagay ang mga PDL na magpopositibo sa virus habang nagpapatuloy aniya ang konstruksyon ng hiwalay na custodial facility sa police station.
Apat naman aniyang pulis ang isasailalim din sa testing.
Dagdag pa ng city police chief na pansamantalang suspendido ang pagbisita sa PDLs bilang bahagi ng health at safety measures.