Ni Karen David
NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang dalawa sa anim na Piston jeepney drivers na ikinulong sa Caloocan custodial facility dahil sa pagsasagawa ng protesta sa kahabaan ng Edsa-Monumento.
Ito ang kinumpirma ni Caloocan Representative Edgar Erice.
Tumanggi naman si Erice na pangalanan ang mga nagpositibo pero ayon dito, kabilang sa mga nagnegatibo sa coronavirus si Tatay Elmer Cordero, ang pinakamatandang driver at 72-anyos.
Nanawagan si Erice sa Caloocan Police na idisinfect ang custodial facility at isailalim sa tests para sa COVID-19 ang mga inmate.