Ni Vhal Divinagracia
BAHAGYANG tumaas ang naitalang krimen sa Metro Manila matapos isailalim sa General Community Quarantine o GCQ.
Sa panayam ng Sonshine Radio kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard, sinabi nito na tumaas ng 2% ang crime rate sa Metro Manila.
Gayunpaman, sinabi ni Banac na hindi dapat ikabahala ito dahil mababa parin ito kung ikukumpara sa mga buwan bago pa man ang Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Samantala, patuloy na nakaantabay ang PNP sa magiging desisyon ng pamahalaan ano ang magiging quarantine status ng Metro Manila.