Ni: Melrose Manuel
NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang tatlumpung empleyado ng Barangay Hall sa Barangay South Triangle, Quezon City matapos isailalim sa COVID-19 rapid test.
Dahil rito, tatlong araw munang isususpinde ang operasyon ng nasabing barangay.
Sa ngayon naka-quarantine na ang mga empleyado at nakatakda rin silang isasailalim sa polymerase chain reaction test.