Melrose Manuel
PATULOY na isinasagawa ng Department of Science and Technology – Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) ang mass productions ng re-wearable, re-usable at re-washable masks kung saan main beneficiaries nito ay mga frontliner at health workers.
Sinabi ni Secretary Dela Peña na nasa sampung libo (10,000) kada linggo ang pino-produce na mask ng DOST at naghahanap pa sila ng maraming operators na gagawa ng pagtatahi.
Sa kasalukuyan, ang kanilang mga mananahi ay taga Taytay at Cavite.
Target naman ng DOST na makapag-produce ng 50,000 reusable face masks sa katapusan ng Hunyo.
Ipinabatid pa ng kalihim na nanggaling sa mga pribadong kumpanya ang karamihan sa mga materyales na kanilang ginagamit dito.