Ni Melrose Manuel
PLANONG kumuha ang pamahalaan ng limampung libong COVID-19 contact tracers simula sa susunod na buwan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ito ay bilang paghahanda para sa planong pagsasagawa ng malawakang testing sa bansa.
Nakausap din anya hinggil dito si Department of The Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año dahil ang DILG ang siyang nangunguna sa pagsasagawa ng contact tracing.
Sa ngayon, mayroong 34,000 contact tracers na ang Department of Health.
Gayunpaman, kulang pa ito ng tinatayang 94,000 upang makamit ang ideal ratio na one contact tracer kada 800 katao.