Ni Tricia Tan
NANGANGAILANGAN ngayon ng aabot sa 6,000 empleyado ang Business Process Outsourcing (BPO) Industry.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mayroong nagaganap na “resurgence” sa lokal na sektor ng BPO kung kaya’t marami ang nagbubukas na job offers.
Ito ay kasunod ng plano ng ilang BPO firms na i-expand ang kanilang operasyon sa Metro Manila, Clark, Pampanga at Cebu.
Batay naman sa datos ng Leechiu Property Consultants, tumaas ng 37% ang demand ng BPO sectors sa office space mula Hunyo hanggang Mayo ngayong taon.
Tinatayang tumaas sa 7.3 milyon ang bilang ng mga unemployed na Pilipino ngayong Abril base sa pag-aaral ng Philippine Statistic Authority (PSA).