Ni Jao Gregorio
HINDI makakalahok ang 7-time All Star player na si Lamarcus Aldridge sa ilang natitirang laro ng San Antonio Spurs sa NBA.
Ito ang inihayag ng pamunuan ng Spurs kasunod ng pagpapagaling ng manlalaro matapos sumailalaim ito ng surgery sa kaniyang kanang balikat noong Abril 24.
Nakuha naman ni Aldridge ang kaniyang shoulder injury noong Pebrero 21 sa naging laban nila kontra Utah Jazz.
Isa ang San Antonio sa 22 teams na magbabalik sa hard court sa muling pagbubukas ng laro ng NBA sa susunod na buwan.
Gaganapin ang mga na-postponed na games ng NBA sa ESPN Wide World of Sports Complex sa Disney campus malapit sa Orlando, Florida.