Ni Karen David
NANINDIGAN si Department of Agriculture Secretary William Dar na sumusunod ang ahensya sa mahigpit na procurement protocol sa pagbili ng fertilizer para sa kanilang stimulus program sa ilalim ng Ahon Lahat, Pagkaing Sapat (ALPAS) kontra sa COVID-19.
Ang pahayag ni DAR ay kasunod ng pagkwestyon ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa umano’y “overpriced” fertilizer supply contracts ng DA na tinatayang nagkakahalaga ng 1.8 bilyong piso.
Ayon sa SINAG, ang isang bag ng urea fertilizer ay nagkakahalaga lamang ng 850 pesos, malayo sa 995 pesos kada bag na biniling fertilizer ng ahensya.
Paliwanag ni Dar, nabigo ang mga agricultural group kabilang ang SINAG na ikonsidera ang halaga ng fertilizer, transportation cost, incidental cost at applicable tax.