NI PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY
MAY isang Rebolusyon ng Pag-ibig na nangyayari, hindi lamang sa lugar na ito kundi sa buong mundo.
Hindi ko namalayang nahawaan ko ang buong mundo sa aking mensahe ng pag-ibig.
Isang araw ay magparada tayo sa mga lansangan sa buong mundo, bitbit ang mga karatulang nagsasaad:
ANG KAILANGAN NATIN SA MUNDONG ITO AY REBOLUSYON NG PAG-IBIG!
Nakatatanggap ako ng maraming mga text messages, at ang isang mensahe ay nagsabi, “Pastor, isang grupo kami. Handa namin kayong depensahan. Handa kaming ialay ang aming mga buhay sa inyo. Hindi ninyo kami kilala ngunit nakilala namin kayo bilang aming Pastor, kahit na hindi pa kami mga mamamayan ng Kaharian.”
Ang aking puso ay lubos na nasisiyahan.
Huwag kayong mag-alala dahil anuman ang nangyari, anuman ang inyong nabasa at nakita sa social media – lahat ng mga bagay na nangyayari sa aking buhay ay may layunin. Dahil ang lakad ng matuwid na tao ay pinangungunahan o itinatalaga ng Panginoon; walang mga pangyayari sa buhay ng Hinirang na Anak na hindi alam ng Ama. Walang mga pangyayari sa aking buhay na hindi itinalaga ng Ama para sa Kanyang layunin. Nakita ko ang layunin. Ang layunin ay upang ang Rebolusyon ng Pag-ibig ay sasabog sa buong mundo.
Tinitiyak ko sa inyo na ang espiritu ng kasuklaman ay hindi manaig sa espiritu ng pag-ibig.
Tinitiyak ko sa inyo na ang espiritu ng inggit at paninibugho ay hindi manaig sa espiritu ng pag-ibig.
Tinitiyak ko sa inyo na ang espiritu ng sabwatan ng masama ay hindi manaig sa espiritu ng pag-ibig.
At tinitiyak ko sa inyo na ang masamang intensyon at mga frame-up ay hindi manaig sa espiritu ng pag-ibig.
Kahit ang espiritu ng takot sa kamatayan ay hindi manaig sa espiritu ng pag-ibig.
Ang pang-uusig sa mabuti ay hindi manaig sa espiritu ng pag-ibig.
Ang mga maling akusasyon ay hindi manaig sa espiritu ng pag-ibig.
At ang tema ng lahat ng mga mamamayan ng Kaharian, ang ating mensahe sa mundo ay: PAG-IBIG ANG KAILANGAN NG LAHAT. Alam niyo ba kung bakit? Dahil ang pag-ibig ay hindi namamatay. Ang pagkamuhi ay mamamatay, ang paninibugho at inggit ay mamamatay, ngunit ang pag-ibig ay hindi mamamatay.
Kaya ang pinakamataas na batas ng Kaharian ay ang Batas ng Pag-ibig. “At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong lakas mo. Iibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.” (Marcos 12: 30-31)
“Ibigin ang inyong kaaway” (Mateo 5:44). Pupugin sila ng pag-ibig. Patayin ang inyong kaaway ng pag-ibig.
“Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, idalangin ninyo ang sa inyo’y nagsisiusig.”
Alam ba ninyo na kapag dinalangin ninyo ang mga taong nag-uusig sa inyo, hindi nila ito matatanggap dahil nais nilang tumugon kayo sa parehong paraan na kanilang ginawa.
Kaya, kung kayo ay nakipaglaban sa kaaway, maging maingat na hindi kayo maging kagaya sa kanila. Kapag ang inyong kaaway ay puno ng kamuhian, alalahanin na pupugin sila ng inyong pag-ibig. Ipakita na iba kayo sa kanila. Ipakita sa kanila ang banal na kaugalian ng Dakilang Ama na banal na lumipat sa atin nang tayo ay nagsisisi at itinilapon ang binhi ng serpente ng pagsuway. Sabihin sa kanila, “Ito ang banal na katangian na naglagay sa aking Tagapagligtas sa krus.”
Ang pag-ibig ay isang bagay na hindi matatagpuan ng mundo ngayon. Kaya nang ito ay nangyari at may pagsabog ng rebolusyon ng pag-ibig sa buong mundo, sinabi ko, “Ama, makatutungo ako sa impiyerno at magiging masaya dahil itong bilyon-bilyong tao ay sumasabog ang pag-ibig sa kanilang puso.”
Ang ating Panginoon ay isang Panginoon ng pag-ibig. “Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka’t ang Dios ay pagibig.” (1 Juan 4:8)
Kapag pumunta kayo sa langit, wala nang ibang atmospera na inyong madama doon kundi ang pag-ibig, ang pag-ibig ng Dakilang Ama. Kapag kayo ay puno ng pag-ibig ng Dakilang Ama, huwag matakot. Walang takot sa pag-ibig. Kapag puno kayo ng dalisay na pag-ibig ng Panginoon sa inyong puso, sumusuway ito sa batas ng kalikasan.
ANG PAG-IBIG NG TATLONG HEBREO SA AMA AY SUMUWAY SA MGA BATAS NG KALIKASAN
Si Shadrach, Meshach at Abednego ay puno ng pag-ibig, hindi lamang katapatan. Ang pag-ibig na iyon ay nagpapatapat sa kanila at handang ialay ang kanilang buhay para sa kanilang inibig, na siyang ang Panginoon.
Kinainggitan ng mga tao sina Shadrach, Meshach at Abednego dahil sila ay tunay, simpleng mga kabataan na naglilingkod sa Panginoon ng kanilang buong puso. Kinainggitan sila ng mga tao. Sinadya nilang gumawa ng mga batas sa Babilonya upang kanilang malansi sila sa kapahamakan.
“Ah, itong mga taong ito ay hindi magkompromiso. Nakaharap sila sa Herusalem at manalangin sa kada alas tres, alas sais, alas nuebe. Ngayon, alam natin ang ating gagawin. Gumawa tayo ng batas. At tutungo tayo sa hari at atin siyang bolahin.”
“Sasabihin natin sa hari, ‘O, Hari, upang pag-isahin ang inyong kaharian, nararapat na gumawa tayo ng mga batas. Gagawa tayo ng malaking istatuwa at kada alas tres, alas sais at alas nuebe kapag narinig ang tinig ng musika ng iba’t ibang instrumento, ang kautusan ng batas ay magsasabi: Lahat ay yuyuko sa imahe ng hari. Ito ang gagawa ng pagkakaisa sa inyong kaharian.”
Kanilang nabola ang hari, ngunit ang masamang plano sa likod niyan ay ang pagpatay sa tatlong batang Hebreo dahil sa kanilang inggit at panibugho. Kaya hindi nagtagal ay naitatag ang kautusan na sinilyuhan ng singsing ng hari. Ito ay nangangahulugan na ang kautusan ay isang batas ng Babilonya na hindi mababali. Sa ika-alas sais, ay pinatunog ang mga instrumento. Lahat ng mga taong Babilonya ay humarap sa idolo ng hari at sila ay yumukod. Ang tatlo ay hindi humarap sa idolo. Sila ay humarap sa Herusalem. Hindi sila yumukod. Kanilang sinabi, “Purihin ang Panginoon, ang kaisa-isang Panginoon ng Israel.”
Ang mga taong nainggit sa kanila ay nagsabi, “Ito na! Patay kayong lahat ngayon!”
Sila ay pumunta sa hari at sinabi sa kanya, “Hari, alam niyo ba na ang inyong tatlong gobernador ay hindi yumukod sa inyong imahe?”
At ang puso ng hari ay nalungkot dahil mahal niya ang tatlong kabataan. Kanyang tinawag sila. Ang mga nakasaksi ay napakasaya. Nagsasaya ang kadiliman ng impiyerno dahil tiyak na haharap sa kamatayan ang tatlo.
“Totoo ba na hindi kayo yumukod?”
“O, Hari. Hindi kami maaaring yumukod dito dahil hindi namin ito panginoon, ang inyong imahe.”
“Bibigyan ko kayo ng pagkakataon. Hindi na kayo kailangang lumuhod. Patutunugin namin ang mga trumpeta at iyuko niyo lamang ang inyong ulo at ililigtas ko kayo.”
ITUTULOY