Ni Melrose Manuel
INALMAHAN ni Angel Locsin ang pag-like ni Senator Vicente “Tito” Sotto sa tweet na nagsasabi na “pronpa since day 1” ang aktres.
Principal author ng Anti-Terrorism Bill si Sotto, na mahigpit na tinututulan ni Angel.
Sa nasabing tweet na ni-like ng senador ay makikita ang screencap ng pakikipagsagutan ni Angel sa twitter user na may handle na @marcosglobalofc.
Nasa tabi nito ang mga litrato nina Angel at ng kanyang kaanak na human rights lawyer na si Neri Colmenares.
Ayon kay Angel, kaya nagkaroon ng NPA ay dahil sa tao na nasa larawan na gamit ng twitter user.
Makikita sa profile picture si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sagot yan ni Angel nang sabihin ng Pro-Marcos page na itinuturing na ng bansang Amerika ang NPA bilang mga terorista at inamin pa mismo ng founder ng Communist Party of the Philippines na si Joma Sison na bahagi ng kanilang organisasyon ang Bayan Muna, na party-list naman na kinabibilangan ni Colmenares.